Please understand kung minsan nag-iinarte kaming mga girls, nagpapalambing lang naman kami. Minsan kahit walang dahilan nagagalit or hindi na namin kayo kinakausap, gusto kasi namin tanungin mo kami kung napano kami, kung ano ba ang nasa isip namin.
Minsan kahit hindi naman talaga kami nagseselos, ipapakita namin na nagseselos kami, part na siguro yun ng paglalambing namin. Ang gusto kasi namin i-reassure niyo kami na kami lang ang maganda sa paningin niyo, na kahit maraming babae diyan kami padin ang magsa-stand out, na kami lang ang apple of the eye niyo.
Pero minsan nagseselos kami kapag may ibang tao na nakakasama kayo, samantalang kami kung minsan kahit gustuhin namin hindi namin magawang makasama ka. Hindi maaalis sa amin ang paranoia. May kausapin ka lang ibang babae at nakita namin na may ibang nakakapagpangiti sa inyo, nagwoworry na kami. Kino-consider namin yun as threat, baka kasi masyado kang maging masaya at makalimutan mo kami.
Also, we expect you guys to read our minds, kaya nga minsan nananahimik lang kami, though alam naman namin na hindi ninyo nature ang manghula. Naiinis kami kapag nag-iinarte kami pero nananahimik lang kayo. Kapag ganun na ang eksena, pansinin niyo naman kami, lambingin niyo kami, yakapin niyo kami.
Ang hirap maging babae, we tend to worry all the time. Mahilig kami sa mga petty dramas, oo guilty kami dun. Pero kayo ayaw niyo yun dba? Oo naiintindihan namin, pero sana maintindihan niyo din na part na yun ng pagkatao namin.
Mahal na mahal namin kayo at kayo lang ang lalaki sa buhay namin, and we expect na ganun din kayo sa amin.
.
Nagmamahal,
GIRLFRIENDS
(Source: icanspellyou)
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
All rights reserved 2011 - Infinite.


