Kung wala ka rin namang sasabihin na maganda mabuti pa at manahimik ka na lang.

Ang sarap sarap sabihin niyan sa nanay ko. Mabuti at may respeto pa ako sa kanya at nanahimik na lang ako upang hindi ko siya nasagot. Papasok ng eskwelehan sobrang sama ng loob ko dahil sa nanay ko na wala ng ginawa kundi kutsain ako. Papasok ka na nga lang, ang dami pang sasabihin sayo. Pano niya ginawa? Sa text. Wow lang naman kasi, parang ang nasa isip niya ay magbubulakbol ako. Sa taas ng grado na ipinakita ko sayo nung huling sem, muka bang nagbubulakbol at nagpapabaya ng pag-aaral yun? Isip naman sana. Ang taas taas ng pangarap ko. Ilang beses mo na ngang sinira ang mga plano ko sa buhay dahil sa sobrang kitid ng utak mo. Ikaw pa naman ang nanay ko tapos hindi mo ako masuportahan sa mga gusto ko. Ano ba akala mo sa akin bata na walang alam sa buhay? Bakit hindi mo ako hayaang matuto sa mga sarili kong desisyon? Hindi lahat ikaw ang magtuturo. Hindi mo maisasaksak sa puso ko ang mga gusto mo na hindi ko naman gusto. Palibhasa, dito sa bahay ikaw ang laging tama. Para namang makakapalag ako sayo. Malamang sa malamang e isusumbat mo sa akin na ikaw ang nagpapalamon at nagpapa-aral sa akin. Balik tana lang tayo a? Obligasyon mo iyon dahil anak mo ako. Mangiyak ngiyak ako sa jeep na halos pinagtitinginan na ng mga tao dahil sa namumuong luha. Nagkunwari na lang ako na parang inaantok pero sa loob loob ko, para akong bulkan na sasabog. Punong puno ako ng poot sa nanay ko. Sobrang nasasaktan na ako na sa pinag gagawa niya, kung hindi niya sasaktan pisikal sasaktan niya ako emosyonal. Ayoko na. At ang sinasabi ko na lang sa sarili ko: “Kunting tiis lang Claris, makakaraos ka din at makakaalis sa puder niya.”

Pasensiya na pero napupuno na talaga ako.

Tuesday, November 08, 2011 @ 7:39:00pm with 15 notes





Copyright ©. Layout by OhMissLinda.
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
All rights reserved 2011 - Infinite.