Kapag MWF normal na sa akin ang umuwi ng mga 9:00PM, at minsan sa mga ganung panahon pa ay madami ako gagawin.
Katulad na lang ngayon gabi, pagkadating ko ay gumawa ako ng takdang aralin dahil ito ay may deadline. Before 11:00PM dapat mai-email ko na yun. Kaya ang ginawa ko, dumiresto ako ng kwarto ko upang gawin yun. Hindi ko na inuna ang pagkain dahil sa deadline. Nung natapos na ako at lahat, pagbaba ko wala ng pagkain. Ano ba naman yung simpleng pagsabi sa pinsan kong inaalagaan niya na hindi pa ako kumakain diba? Ang simple lang nun. Tapos ngayong nagrereklamo ako, sasabihin niya bakit di ako kumain muna? Kamusta naman, kapag bumagsak ako sa akin mo din isisisi diba? Grabe lang. Anak mo ako at nakakagago lang kasi ikaw ang ina ko at yung simpleng salita lang na “hindi pa kumakain Ate mo” dun sa anak anakan mo ay hindi mo pa nagawa. Kung hindi ba naman din na may pinapaburan ka.
Itutulog ko na lang yung gutom ko.

Naabutan ko ‘to kaninang umaga, nung nagsasalin ako ng powerpoint presentation. Kaninang umaga excited ako dahil dito. At ganun pa rin ang hiniling ko sa kada 11:11 na makikita ko sa orasan.
Ngunit, hindi kagandahan ang araw na ito sa akin. Napuno lang ulit ako ng kalungkutan. Ang malas ko talaga.

Yung pakiramdam na ang ayos ng naging takbo ng araw mo tapos kung kailan gabi na at patapos ang araw mo tsaka ka naman makakatuklas ng isang bagay na hindi mo inaasahan. Hindi mo malaman kung may tinatago nanaman ba o ano.
I was about to post something inspiring but my mood changed and I deleted the whole thing.
Nakakainis yung ganitong bigla kang mababadtrip. Matutulog na nga lang, nakasimangot pa.

<3

eyegasmic~
(Source: the-girl-with-the-golden-heart, via followandreblog)
Please view with Google Chrome in a screen resolution of 1280 x 800.
All rights reserved 2011 - Infinite.


